I wrote this last year... i know it's way late to post it but I hope whoever gets to read it would like it..:)
Hmmmmmm…. Wala naman akong magawa, nakaipit ng pagkataas
taas ang buhok ko, magulo… nakaheadband para hindi makaistorbo sa pagkucomputer
ang bangs ko… nakasalamin kase hassle masyado kung nasa bahay lang naman ako
magsusuot pa ‘ko ng contact lens. Feeling ko medyo mabaho na’ko kase kahapon pa
yung huling ligo ko, mamaya na lang ako maliligo pagkatapos kong magsulat nito,
promise, cross my heart, hope to die!! mamaya maliligo talaga ‘ko!!
Ganito ang
karamihan sa’ten… mahilig mangako… sa isang daang beses na nangako limang beses
lang naman tumupad. Hay… ang mga tao nga naman… puro pangako lagi namang
napapako… pero maliligo talaga ‘ko mamaya walang halong biro!
O ayan, bagong
taon na. Uso na naman ang mga “NEW YEAR’S RESOLUTION”. Ito yung mga simpleng
bagay na ipinangangakong HINDI na gagawin o iiwasan na sa bagong taon. Mga
simpleng bagay na hanggang pangako na lang kase karaniwan ‘pag kasabing
pagkasabi pa lang na hindi na gagawin kinabukasan ginagawa na ulit. Naaalala ko
tuloy nung elementary at high school, patok na patok sa mga titser ng English
at Pilipino ang pagpapagawa ng komposisyon tungkol sa new year’s resolution sa
unang araw ng klase pagkatapos ng Christmas vacation. Lahat yata tayo dumaan
dito. Aminin mo,tinanong mo rin ang sarili mo noong nag aaral ka pa kung bakit para bang ligayang ligaya ang mga guro na
malaman ang mga bagay na gustong baguhin ng mga estudyante nila, ang hindi nila
alam ang mga estudyante ay pikon na
pikon sa ganitong gawain. Pag medyo tinatamad pang magturo si maam o sir dahil
sa vacation hang over, ipapabasa pa sa estudyante ang sinulat nila isa isa…
tinamaan ng magaling!! patay oras na, patay ka pa sa kahihiyan at kantyaw ng
mga bully mong kaeskwela. Kung hindi pa naman pala magtuturo eh di sana hindi na lang muna
nagpapasok?! (walang magsusmbong… hindi ko tinag yung mga teachers ko na
friends ko sa FB).
“MAGPAPAKABAIT NA
AKO”. Ito na yata ang pinaka box office na new year’s resolution. Ang tanong, ano
ba talaga ang batayan ng kabaitan? At sa lahat ng taong nagsabing magpapakabait
na sila, ilan na kaya ang totoong bumait? Kase ako kahit taun- taon kong isama
yan sa resolution ko, mukang hindi na talaga ako babait, normal na’kong
maldita, kung feeling mo mabait ako magpatingin ka sa espesyalista baka may
diperensya ka pagiisip.
“MAGIGING MATIPID
NA AKO”. Pagkasabing pagkasabi mo nito malamang bukas din mismo nasa mall ka
para magsunog ng perang napamaskuhan mo. Magtitipid daw pero panay ang gala
kung saan saan. Magtitipid daw pero bili ng bili ng kung anu-ano. Magtitipid
daw pero kung manlibre ng mga kaibigan akala mo hindi pinaghihirapang kitain
ang perang ginagasta makapagpasikat lang sa babaeng nililigawan. Magtitipid
pala huh? Eh bakit ka bumili ng bagong damit at sapatos kahit kakabili mo lang
ng bago nung nakaraang sweldo?
“HINDI NA AKO
MALELATE”. Waging wagi ito sa mga taong sa araw araw ay parang hinahabol ng
tatlong demonyo kung makatakbo dahil late lagi sa eskwela o trabaho. Yung
tipong pangtrack ‘n field at relay kung tumakbo makaabot lang sa oras dahil
laging tanghali gumising, sisisihin pa ang trapik! Nung high school ako,
natatandaan ko, yung mga kaklase ko na madalas mahuli sa klase eh yung
malalapit sa skul ang bahay, madalas din tuloy silang mapaglinis ng school
ground. Lagi kong iniisip dati, bakit kung sino pang malalapit ang bahay sila
pa ang nalelate?
“TITIGILAN KO NA ANG MGA BISYO”. Ampota?!mga plastik ang
madalas nangangako nito. Kahit pagpalipalitin natin ang mga planeta sa solar
system hindi mo napapahinto ng ganun ganon nalang sa paninigarilyo ang mga
sunog baga, hindi mo basta basta mapapatigil sa paginom ang mga laging uhaw sa
alkohol at lalong hindi mo napapabitawan ang baraha at pitsa sa mga taong
sugarol. Kayang kayang ipangako pero napakahirap tuparin dahil ang mga bisyong
nakasanayan ay napakahirap bitawan lalo na kung nangako ka lang para masabing
nagbabago ka na pero ang totoo labas sa ilong lahat ng sinabi mo. Para mo na ring sinabing wag nang huminga ang mga mabisyo
kung papatigilin mo sila sa mga bisyo nila.
“MAGBABAGONG BUHAY NA AKO”. Weh?! Dahil ba sabi sa “bagong
taon ay magbagong buhay”?? lagi namang sinasabi yan ng lahat ng tao eh,
karamihan nagbabago naman talaga,mas lumalala!! Yung tipong dati nangbubully
lang ng mga kaeskwela ngayon pumapatay na ng mga tambay na nakakairingan… yung
dati patikim tikim lang ng alak ngayon umaga pa lang nagmumumog na ng
istainles… dati hithit buga lang ngayong humihipak ng dalawang kaha may bonus
pang tsongke at marijuana… dati cutting classes lang ngayon kumukupit na ng pangtuition
para may ipanggala kasama ng mga barkada… ibang klaseng pagbabago pala. Imbis
na mapabuti lalong sumama.
Sino ba kaseng
nagpauso ng paggawa ng new year’s resolution? (kuya kim,pasok?!) hindi ko alam
kung bakit sobrang importante sa karamihan ang paggawa ng listahan ng mga bagay
na babaguhin nila sa susunod na taon, ang alam ko lang masama mangako kung di
mo naman tutuparin, kasing bigat din yun ng pagsisinungaling. Kung gusto mo
talagang magbago, hindi mo na kailangang maghintay ng new year. Kung babaguhin
mo man ang anumang pangit na gawaing dati mo nang nakasanay, baguhin mo ‘yon
para maging mas mabuting nilalang, hindi mo kailanman dapat baguhin ang sarili
mo para sa ibang tao, magbago ka para sa sarili mo hindi para kung kanino pa
man. Matuto kang tumanggap ng pangungutya dahil aminin mo man o hindi
nangungutya ka din ng ibang tao. Kung tunay at tapat ang mga tao sa paligid mo,
matatanggap nila hindi lang ang kung anong meron ka kundi pati ang mga kahinaan
mo. Hayaan mong mahalin ka ng ibang tao sa kung sino kang talaga hindi ang ikaw
na puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Ang tunay na pagmamahal ay
pagtanggap hindi lang sa mga bagay na kaya mong ibigay kundi pati ang mga bagay
na aminado kang hindi mo kayang gawin ng walang tulong mula sa ibang tao, hindi
karuwagan ang paghingi ng tulong,isa itong patunay na hindi tayo nabubuhay na
para sa sarili lamang.
Hindi mo
kailangang maging sobrang bait para maging santo, may ibang mga tao nga dyan,
nagsisimba linggo linggo, nagrorosaryo pero kung magmura at mangchismis ng
kapitbahay akala mo kampon ng Diablo, hindi mo kailangang magpanggap, hindi mo kailangang
magmalinis dahil kahit gaano ka pa kabango kung may bahid ng burak ang pagkatao
mo, mangangalingasaw ka kahit saan ka pa
magpunta, subukan mong gumitna… yung hindi masyadong masama at hindi rin
masyadong mabait… sapat na ang maging totoo ka sa sarili mo at lahat ng
nakapaligid sayo.
TANDAAN: “ang mga
taong mapagpanggap, sa impyerno ang bagsak… at ang taong masyadong mabait,
maagang nagiiskursyon sa langit…”, saang banda mo ba balak pumunta? Magisip
isip ka na habang maaga, malay mo hindi ka na makagawa ng new year’s resolution
sa susunod kase huling taon mo na pala……..
Maliligo na nga ako….
No comments:
Post a Comment